Kwentong Politika

Checklist: Requirements para sa SK Voter (2026 BSKE)

May 11, 2026
Requirements para sa SK voter

Bago pumunta sa COMELEC office o satellite registration site, siguraduhing kompleto ang iyong “resibo.” Hindi tinatanggap ang cedula at police clearance bilang valid ID, kaya take note sa listahang ito:

1. Proof of Identity (Valid IDs)

Dalhin ang Original at isang (1) photocopy ng alinman sa mga sumusunod:

  • Student ID o Library Card (Dapat ay pirmado ng school authority).

     

  • National ID (PhilID / ePhilID).
  • Philippine Passport.

  • Postal ID.

  • Driver’s License.

  • SSS / GSIS ID o UMID Card.

  • NBI Clearance.

  • PWD Discount ID.

  • Any other Government-issued valid ID (basta may picture at pirma).

2. Proof of Age (Para sa mga 15-17 years old)

Dahil ang SK voters ay nagsisimula sa edad na 15, kung wala pang valid ID ang bata, kailangan ng:

  • PSA Birth Certificate (Original at photocopy).

  • Kung wala pang PSA, pwedeng gamitin ang Baptismal Certificate o School Records na nagpapatunay ng iyong kaarawan.

3. Accomplished Application Form (CEF-1)

  • Pwedeng kumuha ng form sa mismong COMELEC office (Libre ito! Huwag magbayad sa fixer).

Tip: Pwede mo ring i-download at i-print ang form mula sa official COMELEC website para bawas-oras sa pila, pero huwag mo munang pipirmahan o lalagyan ng thumbmark—dapat itong gawin sa harap ng Election Officer.


Sino ang Pwedeng Mag-Register sa SK? (Eligibility Check)

Kahit “youth” ang tawag, may specific rules ang batas para maging official SK voter:

  • Edad: Dapat ay 15 hanggang 30 years old sa mismong araw ng election (Nov. 2, 2026).

    • Kwentong Politika Note: Kahit 14 ka pa lang ngayon, basta mag-15 ka na by Nov. 2, 2026, pwedeng-pwede ka na mag-register!

  • Citizenship: Filipino Citizen.

     

  • Residence: Dapat nakatira ka sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang (1) taon, at sa iyong barangay nang hindi bababa sa anim (6) na buwan bago ang eleksyon.

First Time mo?  Don’t forget to visit our BSKE 2026: Ang Ultimate Guide sa SK Voter Registration para iwas budol.