Cayetano sa minority bloc: Ipagtanggol ang kalayaan ng Senado

Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa kalayaan at integridad ng Senado sa gitna ng mga kontrobersiya at panggigipit na kinahaharap ng institusyon. Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada. Ayon kay Cayetano, mahalagang mapanatili ang pagiging independent ng Senado bilang isang hiwalay at kapantay na sangay ng pamahalaan. “The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani Cayetano. Sinabi rin niya na bagamat may umiiral na hindi pagkakasundo sa loob ng Senado, dapat itong maresolba sa loob mismo ng institusyon at hindi sa pamamagitan ng impluwensiya mula sa labas. Binigyang-diin din ng Senate President na hindi dapat gamitin bilang bahagi ng negosasyong pampulitika ang legal na katayuan ng mga senador at ang kalayaan ng Senado bilang institusyon. “I am speaking truth that each senator already knows — the independence of this institution, and the legal standing of any of its members, are not currencies. The day they become things to be traded, is the day that the Senate is diminished. And after the Senate, the Republic,” saad niya. Ayon pa kay Cayetano, hindi lamang simpleng political disagreement ang kinahaharap ngayon ng Senado kundi isang mas malalim na usapin hinggil sa kakayahan ng institusyon na manatiling malaya sa gitna ng mga pressure at impluwensiya mula sa labas. Kasabay nito, binanggit niya ang sunod-sunod na pressure at mga bantang pagpaparesto pa sa mga miyembro ng mayorya, kabilang sina Senador Francis “Chiz” Escudero, Senador Rodante Marcoleta, at Senador Joel Villanueva. Naging bahagi rin ng usapin ang mga pangyayari noong Mayo 11 at Mayo 13 kung saan mismong ang Senado at ilang kawani nito ang syang iniimbestigahan habang ang ang naging papel ng National Bureau of Investigation at ng bagong Minority bloc sa mga pangyayaring nagdulot ng tensyon sa loob ng Senado ay binabalewala. Sa halip na ang mga mastermind sa flood scam na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways(DPWH) sa pangunguna ni Henry Alcantara ang ipakulong ay ang mga senador na ang target. Ayon kay Cayetano, mahalagang tiyakin na hindi nagiging instrumento ng political pressure ang mga imbestigasyon at legal na usapin laban sa mga miyembro ng Senado. Aniya, kapag nagsimulang manaig ang takot at political pressure sa loob ng institusyon, nanganganib ang independence ng Senado bilang isa sa mga pangunahing haligi ng demokrasya. “So I put one question to you, not as the majority but as the chamber: will you stand for the Senate’s independence?” tanong ni Cayetano sa minority bloc. Hinamon din niya ang mga senador na manindigan para sa Senado bilang institusyon at hindi lamang para sa interes ng anumang political group o alyansa. Iminungkahi rin ni Cayetano ang isang “deliberate act” kung saan kusang mananahimik ang Senado bilang simbolikong hakbang laban sa anumang uri ng panghihimasok mula sa labas. “I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve,” dagdag niya. Ayon pa kay Cayetano, nasa kamay ng bawat senador kung paano nila poprotektahan ang institusyong kanilang kinabibilangan sa gitna ng kasalukuyang mga hamon. “The door is open. What you do with it is yours to answer — to this institution, and to the people watching it,” pagtatapos nito.
Nawiwili na kayo sa kadadagdag!: Sen. Imee Marcos ginisa ang Meralco sa “Bill Shock” at paulit-ulit na singil

“Parang nawiwili na kayo sa kadadagdag!” Ito ang naging matapang na bwelta ni Senator Imee Marcos sa pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) sa gitna ng pagdinig ng Senate PROTECT Committee kung saan binatikos ng senadora ang tila “magic” sa pagkukuwenta ng kuryente na sa bawat pag-angat ng presyo ng fuel at transmission ay ginagamit na dahilan para lalong palobohin ang singil sa mga consumer. Kinuwestiyon ni Marcos ang mekanismo ng paniningil kung saan ang tumataas na Generation at Transmission charges ay muling “ikinakarga” o idinaragdag sa pagkalkula ng System Loss. “Ang mahal na nga ng generation charge, tapos idodoble niyo pa sa system loss? Ganoon din sa transmission, may ancillary charges na nga, isasama niyo pa sa computation ng system loss,” anang senadora. Ayon kay Marcos, ang sistemang ito ay nagreresulta sa double-charging, tumataas ang singil sa kuryente kapag tumaas ang presyo ng petrolyo at kapag humihina ang piso bukod pa dito ay awtomatiko ring tumataas ang System Loss charge kahit hindi naman dumami ang kuryenteng nawawala sa linya. “Parang pinaglalaruan niyo ang computation para lang lalong bumigat ang bayarin. Isang beses lang tumaas ang cost ng kuryente, pero dalawa o tatlong beses niyo kaming siningil sa iba-ibang line item,” giit ng senadora. Lalong uminit ang pagdinig nang busisiin ni Marcos ang pagtaas ng transmission cost na dulot ng Ancillary Services o ang “standby” na kuryente para sa grid stability. “E, hindi pa naman ginagamit, bakit kinukubra na sa consumer? Nakatambay lang ’yan, pero ang laki ng dagdag sa bill. At ang masakit, pati itong standby na kuryente, pinapatawan niyo pa rin ng system loss charge. Overwhelming na ito para sa mga pamilyang hirap na hirap na,” paliwanag ni Marcos. Hindi rin pinalampas ng senadora ang pagpasa ng Meralco sa mga consumer ng gastos para sa Lifeline Rate at Senior Citizen discounts. Bagamat nasa piso o sentimo lang ito, kinuwestiyon ni Marcos kung bakit kailangang ang publiko pa rin ang magpasan nito. “Meralco is the biggest utility. Hindi ba pwedeng i-absorb na lang ng Meralco yan kaysa ipasa pa sa ibang consumer? Bakit kailangang lahat ng discount, kaming maliliit na tao rin ang magpapasan?” hamon niya. Pinabulaanan ni Marcos ang katwiran ng Meralco na “summer demand” ang dahilan kaya mataas ang bill ng mga consumer, aniya, bumaba ang kunsumo ng kuryente mula 2.711 billion kWh noong Pebrero patungong 2.644 billion kWh nitong Abril. Binatikos din ng senadora ang pagpataw ng Value Added Tax (VAT) sa bawat component ng bill, kabilang ang system loss at transmission, na lalong nagpapalobo sa kabuuang babayaran. Sa pagtatapos, binalaan ni Marcos ang Meralco at ang mga regulator (ERC at DOE) na hindi sapat ang mga “refund” na barya-barya lang kung ikukumpara sa bigat ng monthly bill. Nanawagan siya para sa agarang rebyu ng EPIRA Law upang tuluyang alisin ang mga hindi makatarungang pass-on charges at ang “compounded calculation” sa system loss. “Hindi lang ito basta pagsunod sa batas; ito ay usapin ng malasakit sa tao. Sa gitna ng krisis, dapat ang malalaking kumpanya ang nag-a-adjust, hindi ang mga konsumer na namumura na sa sobrang mahal ng kuryente,” pagtatapos ni Marcos.
Senate Protect Committee calls for amendment of Epira law to stop Meralco’s inflated charges

A member of the Senate PROTECT Committee called for the immediate amendment of the EPIRA law to stop the exorbitant charges imposed by Meralco on its consumers who are already reeling from the rising fuel and food prices due to Middle East conflict. Senator Imee Marcos has joined several legislators questioning Meralco’s inflated consumer charges that resulted to rising bills in the last two months. She said the immediate amendment of the EPIRA law is aimed to permanently remove unjust pass-on charges and the “compounded calculation” of system loss. She also called on the Energy Regulator Commission and the Department of Energy to conduct similar investigations on Meralco’s inflated charges. “This isn’t just about following the law; it’s a matter of compassion for the people. In the middle of a crisis, it should be the big companies adjusting, not the consumers who are being bled dry by the high cost of electricity,” Marcos concluded. Marcos said the generation charges being imposed on Meralco is already expensive compared with other energy distributors. To make matters worse, Marcos said Meralco has to impose other ancillary charges, based on its “magical computations.” According to Marcos, this system results in “double-charging.” When petroleum prices rise or the peso weakens, the electricity bill increases; however, the System Loss charge also automatically rises even if the actual amount of electricity lost in the lines has not increased. “It’s like you’re playing with the computation just to make the bills heavier. The cost of electricity goes up once, but you charge us two or three times across different line items,” the senator asserted. Meralco charges questioned include the standby power, which have not been used, yet already collected from the consumers. “And what hurts is that even this standby power is still slapped with a system loss charge. This is overwhelming for families who are already struggling,” Marcos explained. Marcos also questioned that pass on charges such as lifeline rates and senior discounts, which although useful for some sectors, should not be shouldered by the energy consumers. “Meralco is the biggest utility (firm). Can’t Meralco just absorb that (referring to lifeline and senior discounts) instead of passing it on to other consumers? Why do the small people have to carry the burden for all these discounts?,” Marcos said. Marcos refuted Meralco’s justification that “summer demand” caused the high bills, noting that electricity consumption actually dropped from 2.711 billion kWh in February to 2.644 billion kWh this April. She also slammed the imposition of Value Added Tax (VAT) on every component of the bill, including system loss and transmission, which further bloats the total amount.
Mahigit P1 kaltas sa kuryente ipinatupad ng More Power, Meralco nagtaas ng singil
Bagamat nakararanas pa ang bansa ng malamig na panahon dala ng hanging amihan, simula nang nagpatupad ng taas singil singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero ang Manila Electric Company (Meralco) habang ang distribuition utilities na pagmamay ari ni busyiness tycoon Enrique Razon ay nagpatupad ng mahigit P1 na pagbaba sa kanilang singil. Sa ngayon ay nasa P13.17 kada kWh na ang singil sa kureynte ng Meralco mula sa P12.95 noong Enero, o nasa ₱0.2226 per kWh na pagtaas. Ikinatwiran ng Meralco na bagamat bumaba ang generation cost o ang supply na nakukuha sa mga Independent Power Producers (IPPs) ay hindi naman ito nagresulta sa pagbaba ng presyo dahil malaki ang adjustment o pagtaas ng Universal Charge for Missionary Electrification (UCME). Bumabang generation cost at mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) naman ang dahilan ng pagbaba ng singil sa kuryente ng Bohol Light, Negros Electric and Power Corporation (NEPC) at MORE Power sa Iloilo City na pawang pagmamay-ari ni Razon. Ang MORE Power (Iloilo) ay nagbaba ng ₱1.06 per kWh, ang kanilang residential rate ay nasa ₱11.60 per kWh; ang Bohol Light ay nagpatupad ng ₱1.60 per kWh na bawas, ang kanilang residential rate ay P12.5251 per kWh habang ang NEPC ay nagbaba ng ₱1.66 per kWh, ang kanilang residential rate ay nbasa ₱11.44 per kWh. Pinaalalahanan naman ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga ang mag customers nito na maghanda sa papasok na summer season. “We reiterate our call for customers to practice energy efficiency as we approach the dry season,” ani Zaldarriaga. Ang magkaibang rate na ipinatupad ng Meralco at More Power para sa buwan ng Pebrero ay ikinukumpara dahil na rin ang dalawang electric company giant ay may parehas na interes at nagpapanukala ng joint venture agreement sa BATELEC II, ang electric cooperative sa Batangas, layon nito na mapabuti ang electric service sa Batangas na nahaharap sa ilang reklamo. Wala pang desisyon ang Batelec sa kung sino sa dalawang kumpanya ang kanilang pipiliin para sa joint venture , ito rin ay ay dadaan sa isang plebesito at aaprubahan ng mga residente. Gayunpaman, maaaring gawing batayan ng mga residente ng Batangas ang magkaibang singil sa kuryente ng More Power at Meralco dahil rin ang maaaring asahan sa oras na magkaroon ng pagbabago sa kanilang electric service provider. Sa pagbaba ng singil, ang mga customer ng More Power sa Iloilo na kumukunsumo ng P200kwh kada buwan ay makakatipid ng P212 sa kanilang electric bill, sa mga customer ng NEPC ay P322 na pagbaba sa monthly bill at nasa P300 din na savings sa Bohol Light customers.
Treñas gives 150% endorsement for MORE Power as Batangas’ next power distributor
Former Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas has given his “150% endorsement” to MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) as the next power distributor for Batangas through its Joint Venture Agreement (JVA) with Batangas II Electric Cooperative(BATELEC II), sharing how the company helped transform Iloilo City’s economy and quality of life in just a few years. “When MORE Power came to Iloilo, our city’s power supply finally became stable, reliable, and affordable,” Treñas recalled. “That stability brought in investors, created jobs, and fueled Iloilo’s growth. I can proudly say that Iloilo’s transformation was literally powered by MORE Power,” he added. Since taking over Iloilo’s power distribution in 2020, MORE Power has poured in billions of pesos to modernize the city’s entire electrical system by building new substations, upgrading distribution lines, and installing advanced technology for faster response and outage management. “In just five years, MORE Power has done what some utilities take decades to accomplish,” Treñas said. “They modernized Iloilo without passing the burden to consumers. Even with all the upgrades, our power rates remain among the lowest in the Visayas region,” he said. Treñas said that before MORE Power’s entry, Iloilo City faced frequent brownouts and unstable electricity that discouraged investors and frustrated residents. “Those days are long gone,” he shared. “Now, Iloilo is one of the most business-friendly cities in the Philippines. Investors trust us because our energy is stable. People’s lives have improved, and our local economy is stronger than ever.” He believes the same transformation can happen in Batangas once the partnership between MORE Power and BATELEC II pushes through. “Batangas has everything it needs to become one of the country’s strongest economic zones,” Treñas said. “But it needs a dependable, forward-looking energy partner and MORE Power has already proven it can deliver,” he said. The former mayor appealed to Batangueños to be open to the change that comes with modernization, assuring them that it leads to real progress. “To my friends in Batangas, support the change,” Treñas urged. “Change is inevitable, and it’s good. We once faced the same uncertainty in Iloilo, but trusting MORE Power turned out to be one of the best decisions we ever made.” He added that he can personally vouch for the company’s leadership and professionalism. “MORE Power’s management is transparent, hands-on, and genuinely committed to serving the people,” Treñas said. “They work closely with the local government and the community. If they can do it for Iloilo, they can do it for Batangas.” Treñas expressed optimism that Batangas will soon experience the same benefits that Iloilo enjoys today — stable electricity, more investments, and a stronger local economy. “With MORE Power’s proven track record, I’m confident Batangas can look forward to a brighter, more progressive future. What happened in Iloilo can—and will—happen in Batangas,” Treñas concluded.
NASECOR sa ERC: Tama ba ang singil ng Meralco?
Pinasusuri ng National Association of Consumer Organizations (NASECOR) sa Energy Regulatory Commission (ERC) para kung sobra ang singil ng Manila Electric Company sa mga consumers. Sa isang liham noong Enero 22, 2026, tinanong ni NASECOR president Petronilo Ilagan kung ilan sa mga subsidiaries at kaugnay na negosyo ng Meralco ang sakop ng batas na nag-uutos sa utilities na ipasa sa consumers ang kita mula sa ibang negosyo. Ayon sa Section 26 ng Electric Power Industry Reform Act of 2001, kailangang hiwalay ang accounting ng negosyo, malinaw ang audit, at ipasa sa consumers ang reduction sa bills kapag kumikita ang utilities mula sa rate-based assets. “Linawin lang natin ito. Hindi ito reklamo. Hindi rin ito akusasyon. Isa itong diretsong tanong para sa consumers… May audit ba? May malinaw bang segregation ng accounts? At may bill reduction bang pinapasa sa consumers kapag may kinita?” tanong ni Ilagan sa isang Facebook reel. “Hindi po ito konklusyon. Ito ay clarification na hinihingi ng consumers. Dahil simple lang ang logic: kung may income na dapat bumaba sa singil pero hindi naipapasa, ang ending, mas mataas ang binabayaran ng consumers kesa sa dapat,” dagdag ng dating undersecretary ng Department of Energy. Binigyang-diin ni Ilagan na hindi sila humihingi ng special treatment. Gusto lang nila ay patas at transparent ang pagpapatupad ng batas. “Ang transparency ay hindi paninira. Ang audit ay hindi kaaway. Ito ay normal na bahagi ng tamang regulasyon lalo na kung milyong milyong Pilipino ang umaasa sa kuryente araw-araw,” dagdag pa niya.
Sa Likod ng ₱6.793-Trilyong Plano: Ano ang Ipinapakita ng 2026 Budget sa Mga Prayoridad ng Pilipinas

Nang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang ₱6.793 trilyong pambansang budget para sa 2026 — katumbas ng halos 22% ng GDP — hindi lang numero ang hatid nito. May kasamang malinaw na mensahe. (dbm.gov.ph) Ang tema? “Agenda para sa Kaunlaran: Pagpapaunlad ng Kabataang Handa sa Kinabukasan para Maabot ang Buong Potensyal ng Bansa.” (pia.gov.ph) Sa unang tingin, nagpapahiwatig ito ng pagbabago: mas malaking pokus sa human capital—edukasyon, kalusugan, at pagpapaunlad ng kakayahan sa trabaho—kasama ng mga pangunahing alokasyon para sa social services. Mga Prayoridad na Binibigyang-diin Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman: “Anchored on the theme … the FY 2026 National Budget prioritises human capital development by prioritising investments in quality education, healthcare, and workforce upskilling.” (gmanetwork.com)“With limited resources, we focused on prioritising programs and projects that deliver measurable impact, aligned with our national goals, and are ready for implementation. We also carefully evaluated agencies’ absorptive capacity to ensure effective utilisation of funds.” (dbm.gov.ph) At mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.: “I urge the honorable members of Congress to swiftly enact this budget. Let us work together to realise the full potential of our nation, nurture future-ready generations and fulfil our dream of a Bagong Pilipinas.” (gmanetwork.com) Malinaw na mensahe: ang budget na ito ay hindi lamang pinansyal, kundi simboliko rin. Mga Numerong Dapat Bantayan Ang budget ay 7.4% mas mataas kaysa sa 2025 na ₱6.326 trilyon. (gmanetwork.com) Tumanggap ang DBM ng mahigit ₱10 trilyon sa mga panukala ng ahensya (~₱10.101 trilyon), pero kinailangang bawasan dahil sa limitadong fiscal space. (newswatchplus.ph) Pagkakahati-hati ng malalaking sektor: Social services ang may pinakamalaking bahagi — halos 34.1% ng budget, kabilang ang edukasyon at kalusugan. (pia.gov.ph) Infrastructure at economic services: humigit-kumulang 5% ng GDP ang ilalaan sa imprastruktura sa ilalim ng “Build Better More” program. (pia.gov.ph) Ilang tiyak na numero: Edukasyon: hanggang ₱1.224 trilyon para tugunan ang “learning crisis.” (pia.gov.ph) Kalusugan: pagpapatupad ng Zero Balance Billing sa mga pampublikong ospital at pinalawak na social services. (pia.gov.ph) Imprastruktura: kahit may bawas sa DPWH budget, patuloy ang pagtaas ng kabuuang pondo para sa infrastructure. (qa.philstar.com) Ano ang Ipinapakita sa Politika Pagtuon sa human capital bilang political signalingSa pagbibigay-diin sa edukasyon, kalusugan, at social services, ipinapakita ng administrasyon: “Hindi lang tayo nagtatayo ng kalsada; pinapanday natin ang kinabukasan.” Disiplina sa pondoMaliwanag sa DBM: kahit lumalaki ang mga panukala, limitado ang fiscal space. “Our job is to determine which ones are really aligned … and which ones are implementation-ready.” (philstar.com) Legislative chessboardNaipasa na ang budget sa House of Representatives at Senado, at hinihikayat ng executive ang mabilisang pagpasa. (gmanetwork.com) Mga trade-off at posibleng tensyon Infrastructure cuts sa DPWH upang ilipat ang pondo sa edukasyon, kalusugan, at electrification. (qa.philstar.com) Babala ng DBM sa mga “insertions” ng kongresista na maaaring makaapekto sa fiscal space. (philstar.com) Ano ang Dapat Bantayan Magreresulta ba ang alokasyon sa mas magagandang silid-aralan, ospital, kalsada at trabaho? Ano ang magiging epekto ng amendments o insertions sa Congress? Paano mababalanse ang infrastructure at human capital? Panatilihin ba ang fiscal sustainability sa kabila ng paglago ng budget? Pangkalahatang Tanaw Ang 2026 budget ay higit pa sa isang taunang plano sa paggastos. Isa itong political document, nakabalot sa patakaran. Ipinapakita nito ang prayoridad ng gobyerno: pag-invest sa tao, pagbawas ng basura, at focus sa impact. Ngunit ipinapakita rin nito ang delikadong balanse: pagitan ng paglago at equity, infrastructure at human capital, ambisyon at limitasyon sa pondo. Para sa karaniwang Pilipino, ang tunay na pagsubok ay: Magiging konkretong pagbabago ba ang alokasyon—sa silid-aralan, ospital, kalsada, trabaho, at buhay ng tao? Dahil ang mga salita tungkol sa “future-ready generations” ay maganda pakinggan, pero mas mahalaga kung magiging tunay na pagbabago ito. Kung gusto mo, puwede rin akong gumawa ng mas maiikling bersyon para sa social media o sidebar Q&A na madaling basahin at mas engaging para sa website ng Kwentong Politika. Gusto mo ba gawin natin iyon?
Beyond the SONA: Pagsusuri sa Tunay na Epekto ng mga Pangakong Ehekutibo

Tuwing Hulyo, nakatutok ang buong bansa sa SONA — ang State of the Nation Address ng pangulo. Sa loob ng ilang oras, binabasa at pinakikinggan ng mga Pilipino ang mga pangako, proyekto, at plano ng administrasyon. Pero kapag natapos na ang palakpakan, nananatiling tanong ng marami: Ano na nga ba ang nangyari sa mga pangakong iyon? Mula Talumpati Hanggang Tungkulin Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), malaking bahagi ng mga pangako ng nakaraang SONA ay nananatiling “partially implemented” o nasa plano pa lamang. Ilan sa mga ito ay may kaugnayan sa pabahay, digitalization ng gobyerno, at mga programa sa agrikultura. Halimbawa, sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, target ng administrasyong Marcos Jr. na makapagtayo ng 1 milyong housing units bawat taon. Ngunit ayon sa datos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nasa mahigit 200,000 units pa lamang ang may aktwal na konstruksyon hanggang kalagitnaan ng 2025. Ekonomiya: Pangako at Realidad Sa larangan ng ekonomiya, binigyang-diin ng Pangulo ang pagbaba ng inflation at pagpapalakas ng agrikultura. Ngunit ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin — lalo na ang bigas, asukal, at kuryente. Ang programang Kadiwa ng Pangulo, na layong magbigay ng murang bilihin sa masa, ay tinuturing ng mga eksperto bilang “symbolic but limited” — dahil sa abot lamang ito sa ilang lungsod at probinsya. Ayon sa IBON Foundation, “Ang mga hakbangin para sa food security ay kulang sa pondo at konkretong plano para sa rural development.” Digital Governance: Sa Papel o Sa Praktika? Isa rin sa mga madalas na banggit sa SONA ang digitalization ng mga serbisyo ng gobyerno — mula sa national ID system hanggang online business registration.Bagaman nakamit ang ilang progreso, tulad ng pagtaas ng bilang ng PhilSys ID registrations, nananatiling problema ang mabagal na data integration at limitadong access sa internet sa mga rural area, ayon sa DICT. Marami ring LGU ang walang sapat na infrastructure o pondo para makasabay sa e-governance roadmap. Pondo at Pulitika Ang pagtupad sa mga pangako ng SONA ay hindi lang teknikal na usapin — ito rin ay pulitikal. Ang ilang proyekto ay natetengga dahil sa isyu ng pondo, pagbabago ng liderato, o kakulangan ng congressional support. Ayon sa mga analyst, bahagi ng problema ay ang tinatawag na “promise fatigue” — kung saan paulit-ulit na binabanggit sa SONA ang parehong proyekto taon-taon, ngunit wala pa ring malinaw na resulta.“Ang mga SONA ay madalas nagiging wish list kaysa work report,” ani ng political scientist na si Dr. Dennis Coronacion ng UST sa panayam ng CNN Philippines. Ang Epekto sa Mamamayan Para sa mga ordinaryong Pilipino, ang tunay na sukatan ng SONA ay hindi ang dami ng proyekto, kundi kung nararamdaman ba ito sa araw-araw na buhay — may trabaho ba, may pagkain ba, at may direksyon ba ang pamahalaan. Sa mga kabataang botante at online advocates, ginagamit ang social media bilang bagong paraan ng fact-checking sa mga pangako ng gobyerno. Ang mga independent trackers tulad ng SONA Scorecard ng ABS-CBN at SONA Tracker ng Rappler ay tumutulong para managot ang mga opisyal sa kanilang mga pahayag. Lampas sa Talumpati Ang SONA ay dapat hindi matapos sa araw ng pagbigkas. Ito ay dapat magsilbing kontrata sa publiko, hindi lang script ng administrasyon. Habang papalapit ang 2026 elections, mas magiging mahalaga para sa mga mamamayan na hindi lamang makinig, kundi sumuri — upang matiyak na ang mga salita sa entablado ay hindi lang mga pangakong nauuwi sa hangin. Mga Pinagmulan: Philippine Center for Investigative Journalism – SONA Tracker Philippine Statistics Authority – Inflation Reports Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) DICT Digital Governance Updates CNN Philippines – SONA Analysis 2024 IBON Foundation Economic Briefs Rappler SONA Tracker
Early Moves ng Presidential Contenders para sa 2028 Eleksyon

Habang papalapit ang 2028 presidential elections sa Pilipinas, unti-unti nang nagpapakita ng galaw ang mga posibleng kandidato sa survey at pampulitikang aktibidad. Kahit malayo pa ang eleksyon, mainit na pinag-uusapan sa publiko kung sino ang mga pangunahing pangalan na may potensyal na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Pulse Asia Survey: Neck and Neck Ayon sa Pulse Asia survey na isinagawa mula Marso 6–10, 2024, magkatapat sa voter preference sina Vice President Sara Duterte at Senator Raffy Tulfo: Raffy Tulfo – 35% Sara Duterte – 34% Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents at may margin of error na ±2.8% (GMA News). Oculum Research: Independent Insights Sa isang independiyenteng survey ng Oculum Research noong Hunyo 25–30, 2024, lumitaw ang mga sumusunod: Sara Duterte – 25.4% Raffy Tulfo – 18.5% Leni Robredo – 10.6% Imee Marcos – 5.7% Isko Moreno – 4.8% Manny Pacquiao – 3.1% May margin of error na ±3% ang survey (GMA News). Mga Pahayag ng Posibleng Kandidato Sara Duterte: Bagamat nangunguna sa mga survey, iniiwasan ni VP Duterte ang usapin tungkol sa 2028 elections. Ayon sa kanya, “Napakalayo pa kasi ng 2028 para natin pag-usapan sa ngayon. Ang ginagawa lang natin ngayon, at ang kailangan nating gawin lahat ay magtrabaho muna at mag-contribute tayong lahat sa nation-building.”(GMA News) Raffy Tulfo: Sa kabila ng mataas na voter preference, sinabi ni Tulfo sa pamamagitan ng kanyang kapatid, House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, na wala siyang balak tumakbo: “Napag-usapan ‘yan [kung ano nasa survey], and he said no. He does not want to [run for president] because it is a major, major headache.”(GMA News) Ano ang Susunod? Habang lumalapit ang eleksyon, ang mga kasalukuyang survey ay nagsisilbing early indicator ng interes at paghahanda ng mga kandidato. Magiging mahalaga ang susunod na mga buwan upang makita kung sino ang magpapatuloy sa kanilang mga plano at paano magbabago ang opinyon ng publiko. Patuloy na subaybayan ang KwentongPolitika para sa mga updates, bagong survey results, at detalyadong pagsusuri ng mga posibleng kandidato sa 2028 elections.
99-Year Land Lease: Big Win for Investors, Pero Paano ang mga Pinoy?

Pwede na ngayong magpa-lease ng lupa ang foreign investors sa Pilipinas ng hanggang 99 years — mas mahaba kaysa dating 75 years (50 + 25 extension). Target ni Pangulong Bongbong Marcos: mas maraming long-term na negosyo at trabaho para sa bansa. “This will create a more stable and predictable environment for long-term commercial and industrial investments,” sabi ni Marcos. Pero hindi lahat kumbinsido. Bakit Importante Ito Hindi ito ownership — bawal pa rin sa foreigners mag-own ng lupa. Lease lang, pero sobrang haba. Sabi ng supporters, mas safe para sa investors magtayo ng pabrika, planta, o industrial zones kung mahaba ang lease. Ginawa ito para makahabol sa mga kapitbahay natin sa Asia na mas attractive sa foreign investors. Ang Mga Kabado Presyo ng lupa tataas — posibleng tumaas ang land value at baka maipit ang maliliit na magsasaka at lupa-renters. Apektado ang communities — kahit private land, may mga informal settlers at indigenous groups na nakatira at umaasa rito. Risk ng displacement. Sovereignty issues — may takot na baka sa tagal ng lease, parang hawak na ng foreigners ang kontrol sa lupa kahit hindi sila owners. Anong Dapat Bantayan May malinaw bang rules at safeguards para hindi abusuhin ang mahahabang lease? Sino ang makikinabang — big corporations lang ba o pati mga local communities? Totoo bang magbibigay ito ng trabaho at development, o baka lalo lang lumalim ang inequality? Kung tama ang implementasyon, pwedeng maging game-changer ito para sa ekonomiya. Pero kung sablay, baka mga Pinoy ang matabunan habang tumatagal. Source Reuters — Philippines extends land leases to 99 years to attract foreign investors