Good news para sa mga taga-Bago City, Negros Occidental! Naglaan ang DSWD ng P17 milyon para sa mga livelihood projects na makakatulong sa 33 asosasyon sa lungsod.
Isa na dito ang San Jose Farmers Association sa Barangay Calumangan, na nakatanggap ng seed capital na P500,000 para sa kanilang egg-laying project. Target nitong magbigay ng dagdag kita sa mga magsasaka at miyembro ng komunidad.
May iba pang asosasyon na gagawa ng sari-saring livelihood programs — mula sa farming hanggang small business ventures. Ang goal: sustainable income para sa mas maraming pamilya sa Bago City.
Sabi nga ng mga residente, malaking ginhawa ito dahil hindi lang ayuda, kundi pangmatagalang kabuhayan ang dala ng proyekto.


