Triple whammy si Sen Ping sa pagtarget kay Cayetano akusayon sa ghost project, reclamation at fake titles, sablay
Iba talaga kapag pulitika ang nagpapatakbo sa isang imbestigasyon, bago pa man lumabas ang tunay na ebidensya, tila may hatol na sa media. Ipipilit ang sariling naratibo basta…
Iba talaga kapag pulitika ang nagpapatakbo sa isang imbestigasyon, bago pa man lumabas ang tunay na ebidensya, tila may hatol na sa media. Ipipilit ang sariling naratibo basta lamang may maipukol sa kalaban.
Sa lumang gawi sa pulisya, kapag mahina ang ebidensya laban sa isang tao, hahanap at hahanap ng anumang maipupukol para lang may maikabit na kaso. Hindi ko sinasabing nagtanim ng ebidensya si Senator Ping Lacson. Pero sa sunod-sunod niyang banat sa mga proyekto sa Taguig na kaugnay kay Senator Alan Peter Cayetano, hindi natin maiwasang magtanong: Katotohanan pa ba ang hinahanap dito, o pilit na lang itinutulak ang isang naratibo para lang sirain ang kalaban?
Unang bumanat si Ping sa usapin ng mga “ghost projects” sa flood control, kaduda-dudang larawan sa billing, at duplicated appropriations. Magandang imbestigahan sapagkat pampublikong pera ‘yan.
Pero noong Senate budget hearing noong Setyembre 25, nagkaroon ng malaking lamat ang teorya. Mismong si DPWH Secretary Vince Dizon ang nagsabi noong una na walang nahanap na ghost project sa Taguig sa pangkalahatang sitwasyon, habang si Undersecretary Ricardo Bernabe III ay nag-ulat na may 107 na proyekto sa lungasod at may aktwal na accomplishment.
May kulang man o mali sa papeles, malinaw ang isang bagay, may totoong nakatayong gusali at proyekto sa Taguig. Hindi kathang isip lang, hindi ghost tulad ng nais na iparating sa media.
Pero hindi tumigil si Lacson. Pinipilit pa rin ang larawan at geolocation data. Boss, magkaiba ang aberya sa dokumento sa proyektong hindi naman talaga itinayo!
Nung lumalabo na ang ghost project issue, pumasok ang pangalawang whammy, ang illegal reclamation sa Laguna de Bay. Tinukoy ni Lacson ang 30 ektarya ng lupa na binubuo ng 7 lote na dumaan daw sa reclamation nang walang pahintulot ng Philippine Reclamation Authority(PRA).
Dapat ba itong silipin? Oo. Pero sapat na ba ito para sabihing si Cayetano ang personal na nag-apruba ng proyekto? Malayong magkaiba ang reclamation violation sa personal na kasalanan ng isang opisyal.
At nung hindi pa rin sapat ‘yan, lumitaw ang pangatlong banat, ang “fake titles”. Apat na parcel ng lupa na may 38.83 ektarya daw ang peke at walang kaukulang record sa LRA.
Pero sa pagdinig noong Setyembre 22, malinaw din ang pahayag ng PRA, hindi idineklara ng PRA na peke ang mga titulong iyon. Magkaiba ang titulong may usapin sa registration sa titulong sadyang pineke. Magkaiba rin ang usapin sa lupa sa krimen ng isang pampublikong opisyal.
Tatlong magkakaibang akusasyon na ginamit para ipukol sa kalaban, Tatlong akusasyon na walang malinaw na ebidensya.
Ang ating tanong, anong klaseng imbestigasyon ito? Ang katotohanan ba ang sinusundan, o may gustong ipilit na kwento para lang naipit ang target.
May opunti si Cayetano nang sabihin nyang “selective scrutiny” o pampolitikang pamumulitika lang ito. Dahil kung seryoso talaga si Sen Ping sa pagsugpo sa anomalya, bakit ang Taguig lang at si Cayetano ang puntirya nito.
Matagal na sa law enforcement si Sen Ping. Bilang dating PNP Chief, alam niya dapat na ang tunay na hustisya ay hindi naghahanap ng pwedeng ipitin, kundi naghahanap ng purong katotohanan.

Kwentong Politika — para sa mga Pilipinong gusto ng
totoong balita, nang walang jargon at walang agenda.
Pulitika, lipunan, kultura — explained sa wikang
naiintindihan ng lahat. 🇵🇭











