Hindi lamang nananatiling pinakatiwalaang lider si Pasig City Mayor Vico Sotto sa buong Metro Manila — ayon sa pinakabagong survey ng Tangere, siya rin ngayon ang huwarang lider na nais tularan ng karamihan sa mga residente sa rehiyon.
Sa isinagawang survey noong Abril 2 hanggang 4, lumitaw ang malaking agwat sa pagitan ng mga inaasahan ng publiko at ang aktwal na serbisyo ng maraming lokal na pamahalaan. Tumampok si Sotto sa kanyang istilo ng pamumuno na bukas, makabago, at aktibong nakikilahok sa mga suliranin ng lungsod.
Umabot sa 95 percent satisfaction and trust rating (95 porsyentong antas ng kasiyahan at tiwala) na nakuha ni Sotto mula sa mga residente ng Pasig. Kinikilala siya sa mga reporma tulad ng paggamit ng digital platforms upang gawing mas mabilis ang proseso sa pamahalaan, at ang aktibo niyang presensya sa panahon ng sakuna — tulad ng pagbaha noong 2024 kung saan nakita siyang lumusong sa baha para tumulong sa paglikas ng mga residente.
His anti-corruption stance — “refusing pork barrel funds and mandating public budget disclosures” (pagtanggi sa pondo ng pork barrel at pag-uutos ng pampublikong pagsisiwalat ng badyet) — has also won over skeptics.
Ngunit ang pinaka-nakabibiglang bahagi ng survey: “eight out of 10 respondents outside Pasig wish their mayors would govern like Sotto.” (walo sa bawat sampung sumagot mula sa labas ng Pasig ang nagnanais na mamuno rin ang kanilang mga alkalde tulad ni Sotto.)
Habang nangingibabaw si Sotto sa listahan, ilang alkalde rin ang nakakuha ng mataas na marka. Quezon City Mayor Joy Belmonte maintained strong approval with “81 percent satisfaction and 82 percent trust ratings” (81 porsyentong kasiyahan at 82 porsyentong tiwala), credited for her sustainable urban initiatives including “expanded green spaces and pedestrian-friendly infrastructure.” (pinalawak na mga berdeng espasyo at imprastrukturang pabor sa mga naglalakad.)
Manila Mayor Honey Lacuna followed with “80 percent satisfaction and 81 percent trust” (80 porsyentong kasiyahan at 81 porsyentong tiwala), built on her health care reforms that brought “free dialysis treatment and round-the-clock emergency services” (libreng dialysis at 24/7 na serbisyong pang-emergency) to the city.
Kasama rin sa mga nangungunang alkalde sina San Juan Mayor Francis Zamora, Muntinlupa Mayor Rufino Biazon, Taguig Mayor Lani Cayetano, at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian. Pumapalo rin sa listahan sina Mayor Abby Binay ng Makati, Miguel Ponce III ng Pateros, at Along Malapitan ng Caloocan.
Sumunod sa kanila sa ranggo sina Mayor John Rey Tiangco (Navotas), Benjamin Abalos Sr. (Mandaluyong), Eric Olivarez (Parañaque), Emi Calixto-Rubiano (Pasay), Jeannie Sandoval (Malabon), Imelda Aguilar (Las Piñas), at Marcy Teodoro (Marikina).
Bukod sa rankings, itinuturo ng survey ang pagbabagong kaisipan ng mga botante sa Metro Manila. Mas pinahahalagahan na ngayon ng mga residente ang mahusay na serbisyo kaysa sa tradisyonal na apelyido sa politika. Pangunahing isyu pa rin ang imprastruktura, trapiko, at pamamahala ng basura.
Namumukod-tangi rin ang mga kabataang edad 18 hanggang 35 bilang makapangyarihang sektor ng botante, at karamihan sa kanila ay pumapabor sa mga lider na tulad ni Sotto na nagdadala ng makabuluhang pagbabago.
Perhaps most significantly, “transparency and accountability have become nonnegotiable for constituents, with corruption and inefficiency now carrying heavier political consequences.” (ang pagiging bukas at may pananagutan ay hindi na maaaring ipagwalang-bahala ng mga opisyal, at ang katiwalian at kapalpakan ay may mas mabigat nang epekto sa politika.)
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile app sa 2,040 respondents mula sa 17 LGUs ng Metro Manila, may ±2.13% margin of error at 95% confidence level.